WaLa 'Kong BesT Friend 'Coz...
Posted by kaGee at 09:06 PM on August 30, 2008.
Ehem! First of all, What is a Best Friend ba?
According to Webster's New School and Office Dictionary by Mr.Noah Webster...
Best - having the highest degree of goodness or excellence
Friend - one attached to another by affection, regard, or esteem
Marami akong "Best" like nung elem, yung "Best in Science", nung High School, "Best in Leadership"

At marami rin akong "Friend"

Obvious naman
Pero Best Friend? Hmm. Eto yung mga naging potential. Hahah.
ELEM:
-- Cynthia --
Classmate ko buong Elementary. Lagi kaming magkasama nun eh. Ayun, sinasabi nila best friend ko raw sya. Ok na sana eh. Pero nung nag high school, nawala na. As in nawala na lahat lahat. Nakikita ko pa rin sya after grad nun pero di ko pinapansin. Eh wala akong masabi eh
According to my recent research [credit goes to the ever reliable friendster.com], eto na sya ngayon:
Ganun pa ren itsura nya nung last ko syang nakita nung elem. Hahah. Tumangkad lang. Walang asenso
-- Rey Mark --
We call him "Butchoy" [Di ko maalala kung yan talaga yun

]. Classmate ko rin buong elem. Kwan toh eh, nalink kami =)) Elem pa lang may "ar-armem isuna" [nililigawan mo sya] jokes na. Public school eh

Ang totoo nyan, inaamin ko, "parang" naging interesado rin ako sa kanya nun. Matalino eh. Pero anong malay ko sa love-love na yan? Bata pa 'ko nun kaya wala akong pake dyan

Naging Best Friend ko ba sya?! Hindi eh. Idol na idol lang namin yung WestLife nun kaya kami naging close

At gaya rin nung kay Inyang [Cynthia], wala na rin after grad. Hahah. Elem Life ko, walang thrill
Nakuha ko rin sa FS:
Napansin ko don sa profile nya, ganyan lagi yung mukha nya sa lahat ng mga pictures nya =)) promise!!
HIGH SCHOOL:
-- Lek --
Hay nakoh si LekLek. Hahah

Puro kalokohan moments ang naaalala ko pag iniisip ko sya. Sya yung may pakana nung "Baby Ball" na tawag sa kin nun. Pag tumatakbo raw kasi ako, para akong tumatalbog =)) Lang yah yun!

Nag-umpisa yun noong hinila nya ako kasi tinataguan namin si Kuya Joseph na crush nya. 1st year kami nun, 4th year si Kuya Joseph. Ayun, hinila ba naman ako palabas ng school para lang taguan si Kuya. Siraulo. Pano 'ko hindi mukhang nagba-bounce?! Hahah

Sya rin yung nagturo sa kin na pag makikipagbreak ka dahil sawa ka na dun sa lalake, something like ganito yung gamitin mong linya:
"Wag kang mag-alala, you're a great guy, hindi lang siguro ako yung nararapat para sayo, may mga mas deserving pa dyan ng pagmamahal mo. Wag mo ng damdamin, AKO LANG TOH"
Tindi eh noh?! =)) May mga sad moments din naman, like yung pag nagkukwento or nagsusumbong sya about sa love life nya or sa mga nangyayari sa bahay nila. Yung pinakagrabe sa mga yun eh yung "Staircase to Third Floor Pag-uusap Moment" namin. As in nanginig ako literally sa mga kinuwento nya. Sa gulat, sa diri, sa pag-aalilangan. Sinabi nya kasi yung...Uyy..'Kaw naman, masyado kang mausisa, sa amin na lang siguro yun

Buong High School ko rin syang nakasama. At hanggang ngayon nagkikita pa rin kami paminsan minsan. Iisang campus lang kasi kami eh. Magkaibang section nga lang. So, naging Best friend ko ba sya? Hindi eh. Si Lorie best friend neto. Oh well, sabi naman nya:
"Isa ka sa mga taong pinagtiwalaan ko ng sobra sobra. Alam ko di ako magiging Best Friend mo kasi hindi nga naman ako "Best", sa dami ng mga naidulot kong problema syo. Ayus lang. Isa ka naman sa mga naging Closest Friends ko. Thanks sa lahat lahat Ken"

Kuntento na 'ko dun
Ganda ganda pa rin talaga ni AngeLek

'Lang kupas! Deym!
-- Leanne --
High School Classmate [3rd-4th year], Churchmate, Micmate [Hilig namin kumanta sa Magic Sing sa boarding house nila nun, as in halos araw araw], at higit sa lahat, Problemmate. Deym. Sa dami ng Tanga at Gagong naging kaibigan ko, sya yung Pinakatanga at Pinakagago sa kanilang lahat. Nasa kanya na lahat ng kabobohan sa pagha-handle ng Lovelife. Kaya ayun, naaapektuhan yung ibang aspects ng buhay nya. Kahit pagsama-samahin lahat ng mga naging friends ko, mas Tanga pa rin sya. Aminado naman sya eh. Sya pa mismo nagsabi na "Tanga" sya. Wala syang kahit anong bisyo pero ang dami nyang sakit. Hay nakoh. Problema eh noh?! Eh iba pa naman ako mag-alala. As in todo-todo

Pero sa kabila ng lahat, di ako nagsisisi na sinamahan ko sya sa buong panahon ng pananaliti nya dito. Huy! Buhay pa sya!

Nasa US lang. Di ko alam kung saang parte ng US. Seattle yung hometown nila dun, pero may bahay sila sa California. Wala akong ideya kung nasaang lupalop na toh nagsuot sa ngayon. Di na sya nagpaparamdam eh. Walain ba naman ang cellphone na may roaming sim sa park! Pinanindigan talaga nya yung sinabi nya nun. Tanga nga talaga sya. Well, minsan lang sya maging absent minded and forgetful pero pag nangyayari yun, grabe naman yung mga nawawala. Kaya nga "Yan" yung tawag ko sa kanya eh. Hindi lang sa dahil galing yun sa pronounciation ng "Leanne", ang ibig sabihin talaga nun eh "YAN kase!" as in yung sinasabi mo pag may nagawang mali yung isang tao

Hahah. Eh "Kenny" kasi yung tawag nya sa kin eh. Sya yung nagsimula nun. Nakuha nya sa South Park.
"Oh My Gosh! They Killed Kenny!"
Lahat ng episodes [except yung Christmas special] ng SP, may ganyang linya sa bandang huli. Si Kenny yung naka-orange na jacket na hindi maintindihan yung sinasabi =)) Ginawa akong walang kamuwang muwang na pipi. Hahah. Nung una, nababadtrip ako pag ganyan tawag nya sa kin. As in hindi ko sya nililingon. Pero nang naglaon, nasanay na rin ako. Pag "Ken" tawag nya sa kin, ibig sabihin, may kasalanan ako. Heheh. [Minsan lang yun nun, nung nagkatampuhan kami]. Pero most of the time, "Kenny" talaga tawag nya sa kin. Kaya yung iba dati nung High School yun na rin tawag sa kin. Pati teachers. At pati yung nanay nya! Nakanang! Antindi ng impluwensya! =)) Sa closeness namin, nagselos ang buong "circle of fwends" ko sa kanya. Bakit daw mas matagal ko na silang kilala pero wala ni isa sa kanila yung ganun yung trato ko na parang kay YanYan. Yung as in ganun kaclose. Eh, una sa lahat, MALAY KO. Ayun. Wala ng sumunod. Sabi ko naman "Selos lang kayo eh. Hahah!"

May malalim na dahilan kung ba't kami close. Sya lang kasi yung araw araw na NANLILIBRE sa 'kin eh

Nah, di nga. Ang totoo nyan, kahit dami nyang ginawang kalokohan, marami akong natutunan sa kanya. Una na sa lahat ng mga yun eh yung pagkakaron ng matinong English Grammar. Kaya tuloy super concious na ako ngayon pag nagsasalita ng English. Hahah

Tsaka naging fan ako ni Mariah Carey dahil sa impluwensya nya.
Walang yah toh dati, hinalikan ba naman ako sa lips! =)) Sabi ko "Eww! Ano yun? Ba't may ganun?". Sabi nya "Di ko naman sinasadya, pero nafeel ko yun Kenny" Hahah!

Sa school pa toh nun. Lang yah talaga =)) Grabeh sya. Kaya pala siguro nagkaro'n tuloy ng issue nun na kami raw. Hahah! Kalorkah naman

Boyish lang akong pumorma [minsan], umasta [most of the time], at magsalita [minsan rin], PERO HINDI AKO NAGKAKAGUSTO SA GIRLS NOH. Dala na rin siguro ng komportable ako sa pakikisama sa mga lalake, at dahil na rin siguro sa rapper ako, kaya yun, napagkakamalan akong tibo. Pero hindi noh. Ganda kayang maging girl. Heheh. Pero kung naging lalake si Yan [biglang sya tong naging lalake eh

], gwapo yun! Liligawan ako nun!!! Hahah

Syempre ah

Haaaayyy. Miss ko na si Yan koh. So, naging Best Friend ko ba sya?! Hindi eh. According mismo sa kanya:
"You're the only Best Friend that I've ever had"
Naging Best Friend nya ako, pero hindi ko sya naging Best Friend. Got That?!
Eto na sya ngayon:
Tumaba sya

Mas maganda na ako. Charoz! Eklavuh! =))
-- Heo --
Una sa lahat, ang astig ng pangalan nya! HEOGENES. Deym! Ang galing ng mga magulang nya dun ha. Heheh

Halos ilang beses ko na rin syang naging seatmate. "Ex" ko nga raw sya eh. As in "Ex-Seatmate" =)) Aaminin ko nah, He's mah ultimate high school crush!

And yep yep yep! Sya nga si "Heo ng TuLang Liriko" dati. Wala eh, narealize nya na hindi sa rap ang linya nya. Dancer kase eh. Ayun, mas matimbang ang pagsasayaw sa kanya, so, we have to let him go

Isa sya sa mga pinakatalented na tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Rapper, Dancer, Guitarist, Drummer, Keyboard Player, at pwede rin syang Vocalist [May ROCK BAND kase kami dati eh, kaya ko nalaman toh =))]. San ka pa? Kaya nga love na love ko 'tong lalakeng toh eh

Crush din sya ni Yan. Hahah. Gwapo kase eh. Ilang beses na rin syang nananalo sa mga school pageants. Ayaw nya pag sa labas na ng school. Hahah. Mahiyain minsan. Kaboses nya pag nagrarap si "Bizzy Bone" ng Bone Thugs, or si ShockGie ng Gagong Rapper. Kaya sayang talaga sya sa TL

Ayy! Naalala ko! Nasabi nya noon:
"Magpapayat ka na kasi ah para ligawan na kita"
=)) Ansama! Ganun?! Wala kasi akong pakialam sa Lovelife nung mga oras na yan eh. Sabi nya, he's serious about that. Sayang, sana tinotoo ko na lang pala =)) Pero I never would've regret if ever man naging kami sana nun. Minahal ko sya eh, pero hindi ganun katindi. At naging Best Friend ko sya! Sa text =)) We used to call each other "Bez", pero ayun nga, sa text lang. Magkaiba na kami ng school ngayon, after nung umalis sya sa TL, di na kami regular nagkikita. Kaya yun, nawala yung "Best Friendness"

Nasasalubong ko sya minsan. Sabi nya isang araw nun:
"Gumaganda ka naman"
Ayyy!! Ganon?! Ibig sabihin, dati, hindi?! Loko talaga. Hahah.
Inusisa ko yung FS nya, and i got this cute cute pic! Emo-Hiphop ang porma neto. Due to the influence of HipHop Dancing, Rap and his ROCK BAND backgrounds. Deym.
Love yah Heogenes Crushness! Lalaki na naman ulo neto =))
HIGH SCHOOL - COLLEGE
-- Jo --
Ayan, inuna ko yung picture agad. Hahah

Cute cute ng Tukz koh, parang ako lang =)) "Tukz" tawagan namin. As in yung for short ng "Tukmal". Hahah. Sya nagpropose nyan =)) Nung July 12, 2007. Oha! May anniversary kame! =)) Mahigit isang taon na kame!

Nakuha lang nya actually yung "Tukz" sa novel na gawa ko, entitled "Benthe-Unoh". Isa sya sa mga Benthe-Unoh-adikz eh. Presidente ng "Sponsor" koh. Ahahah

Ambaliw baliw neto. I Love her sooooooooooooooooooooo much! As in.
Kahit anong gawin nyang kalorkahan at kalokohan
Kahit minsan hindi ko sya pinapansin [baliktad, hahah, that's one way of my pagpapapansin to her]
Kahit naka-Globe sya habang naka-Smart ako
Kahit section 5 sya habang section 6 ako
Kahit sya etong mas madalas manlibre sa ming dalawa [It's not that my reklamo ako dyan

]
Kahit cute ako, sya hindi
Kahit sinasabi nilang sya raw yung mas cute pala kaya wag na 'kong mag-ilusyon
Abah...I still care for her so much

Eh pa'no ba naman? Since 1st year High School pa lang, kilala ko na sya, at hanggang ngayong College friends pa rin kami

Antindi! Ang alam ko dito, sinundan nya 'ko sa kolehiyo eh. Nung nalaman nyang sa UCC ako, aba'y nag-enroll den!
"Joanna" tawag ko sa kanya from 1st yr - 3rd yr HS, nung 4th year lang sya naging si "Jo". Naghanap ng astig na name. Nainggit kasi sa name ko =)) Nung dati, hindi ko naman sya gan'to kamahal eh. Ewan ko ba. Alam ko na pala!!! Ginayuma nya 'ko! Ginagayuma nya 'ko ng unti-unti hanggang ngayon! =)) Hahah.
Oo, tama po kayo. Sya nga yung "Tres ng Peezterz" dati. Si "Peetri"?! Oo! Sya nga yon, noon. Haaaayyy nakew. Wag nyo ng alamin kung ba't sya nawala sa grupo nila. Amin amin na lang yun. Baka marelease sa press, magkaron na naman ng issue, ipatawag na naman kami sa The Buzz or Showbiz Central. Sabi ko kasi kay Tito Ricky Lo, wag na kaming masyadong intrigahin eh. Ayun. Kaya nawala na rin yung hotness netong issue.
Ang mga ultimate na mapang-asar na "Best Friend" ko raw si Jo eh yung mga ex-kagrupo-slash-BEST-FRIENDS nyang sina Kayzee a.k.a DoS at Maddie a.k.a UnO [L-R]
Ironic isn't it?! Well...ang totoo nyan, inagaw nila si Jo sa 'kin nun =)) Hahah. Pero kahit ano mang pang-aasar at pangdiDISScriminate nung dalawang yan eh di pa rin matitibag yung nabuo ng image sa kin ni Jo. Wala naman syang kasalanan sa kin kaya WHY SHOULD I MAKE LAYO TO HER?! Duh vah? Sinabi man nung dalawang nag-ano raw sya nun kina ano, well, unfortunately for those two, di ko nakita eh

Kaya di ako naturn off =)) And kahit nakita ko yun kunwari, alam kong walang magbabago. Nuxx!
So, sya na ba yung Best Friend ko?! Hmm. I guess. But what I feel about her is not really as a Best Friend. Yung tawagan naming "Tukz", di hamak na mas matimbang yun sa "Bez". Sabi ko nga sa unahan netong post, Mr. Webster defined "Best" as "having the highest degree of goodness or excellence" and "Friend" as "one attached to another by affection, regard, or esteem". Pero mas matindi pa sya sa "Best" at mas mahalaga pa sya sa "Friend". PARA KO NA SYANG KAPATID TALAGA. Honestly. Hindi ko toh sinasabi dahil umaasa akong mauulit yung panlilibre nya ng Sine at Mcdo sa min ni AmBoy dati ha. Totoo talaga toh. This time totoo na talaga toh. Kahit di ko sya laging nakakasama, andito lang sya lagi sa heart ko

At alam ko namang ganun rin sya sa 'kin. I can feel 'et!
Oh, sabi sa 'nyo wala akong Best Friend eh